Sunday, 19 October 2014

" YOLANDA"

                        Ang bagyong " YOLANDA ", ay isa sa pinakamabagsik na bagyo na tumama sa lugar ng Visayas. Ito ay halos nagdala at nagwala ng libo-libong inosenteng buhay, ari-arian at hanapbuhay. Nobyembre 17,2013, lahat ng mga tao ay alarmadong nagsisilikas dahil sa pagdating ng bagyong "YOLANDA". Lahat ng tao sa Visayas ay inutusan ng “PAGASA” na lumikas sa lahat ng evacuation center. Lahat ng pasok ay sinuspende maging pribado man o pampublikong paaralan. At lahat ng mga kompanya ay pinapayagang umuwi ang kanilang mga tauhan sa kanilang indibidwal na tahanan.Sa pagdating ni yolanda ay hindi mapakali ang mga tao dahil palaging nag-iiba ang direksyon nito dahil sa lakas na dala ng nasasabing bagyo. Kaya nang nalaman ng "PAGASA" ang tunay na bagsik nito agad nilang ibinalita na ang Visayas ay nasa State of Calamity lalo na sa Leyte at Samar na siyang dadaanan ng nasasabing bagyo.Makalipas ang ilang mga oras dumagsa ito sa Tacloban City.Nobyembre 8,2013, pagkagising ng mga tao ay agad nilang binuksan ang telebisyon upang manood ng balita at doon nila nakita ang hagupit ni yolanda. Ito ang araw na hindi kailanman malilimutan ng mga pinoy na nangyari dito sa ating bansa.Ito ang bangongot na ating nadaranasan sa  taong 2013. Ang hangin ay parang tunog ng isang sasakyan na dumadaan sa kalye samantalang ang mga alon sa dagat ay halos kasing laki na ng mga bahay sa dalampasigan. Winasak talaga ni yolanda ang bayan na ating sinilanagan. Lahat ng mga malilit at malalaking bahay ay winasak nito.Ang ibang tao ay nasa loob lang ng kanilang mga bahay sapagkat sila ay natagpuang patay.Ang daan ay parang isang pugad ng ibon dahil sa mga basura.Pati narin ang mga barko ay parang mga papel na hinihipan ng bagyo.Sa totoong bangongot na iyon napa isip tuloy ang mga tao na parang pinabayaan na sila ng panginoon. Sapagkat ang iba ay nagbigay ng mga pagkain,tubig at mga damit samantalang ang mga binata ay inilaan ang kanilang bakanteng oras sa pag impaki ng mga " relief goods."
                        Ang mga Pilipino ay nagpapakita talaga ng pagkakaisa.Kahit iba iba ang mga relihiyon ng bawat isa,Pilipino man o Internatiional,bata man o matanda.Ang lahat ng mga tumulong ay nagsisilbing ilaw na nagbigay liwanag sa mga puso ng bawat Pilipino.
                        Sa awa ng Diyos may mga taong binigyan pa ng isang pagkakataon na makita ang kanilang mga pamilya sapagkat sila ay na troma sa masakit na iniwan ng bagyo.Nakakaawang tingnan ang mga patay na nakahandusay sa mga daan at natambakan ng mga sirang bahay.
                        Alam kong may malaking plano ang panginoon sa atin.Ito ay isang alarmadong trahedya na dapat bigyang diin ng ating mga opisyal ng gobyerno.Kung naghahangad tayo ng pagbabago dapat simulan muna natin sa ating mga sarili.

                        Sana ay bigyang pansin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran.

Tuesday, 7 October 2014

“KAIBIGAN O KA-IBIGAN”
                       Nais mo bang malaman ang kaibahan ng dalawa? Alam kong meron tayong karapatan na ipahayag ang ating mga pananaw sa buhay kaya lahat ng ito ay  hango sa aking mga nakikita.
            Kung ikaw ang papipiliin saan ka papanig KAIBIGAN? O, KA-IBIGAN?. Kung ako ang tatanungin hindi ako magdadalawang isip na pipiliin at ipaglaban ang KAIBIGAN kaysa KA-IBIGAN.Kung kaibigan ang pag-uusapan alam kung meron tayong tinatawag na ‘ BITUKA KO, BITUKA MO’ lahat ng mga kilos na ginagawa mo ay kabisado na ng kaibigan mo. Lahat ng kung anong meron ka ay halos alam na niya lahat. Kahit mga kahinaan at katapangan mo’y alam narin. Pero hindi lahat ng sekreto niya ay alam mo. May mga bagay na hindi niya sinasabi dahil alam niyang pribado ito. Sa lahat ng oras umulan man o bumagyo hindi mo madaling isuko at bitawan ang inyong pinagsamahan. Kung baga, ikaw ay isang instrumento na ipinadala ng Diyos upang samahan at intindihin ang iyong kaibigan. Kung may malaking posibilidad na ang iyong munting kaiibigan ay lihim na nagmamahal saiyo. Nais mo bang magparaya para lang sa tinatawag nilang PAG-IBIG? Kung ako ang tatanungin hinding hindi ko isusuko ang aming pinagsamahan sa isang PAG-IBIG lamang. Dahil kapag ang tunay na pag-ibig ay nararamdaman ng isang tao hahamakin nito ang lahat masunod lamang ang sinisigaw ng puso. Isaisip mo na Lahat ng mga nangyayari ay pinaplano na ng Diyos. Kagustuhan mo man ito o hindi. Dapat mong tanggapin ito at magpasalamat dahil ang lahat ng iyon ay panangga mo  patungo sa magandang inaasahan.
                      Kung sakaling ikaw ay mapaibig na sa kanya huwag mong isuko ang inyong pinagsamahan dahil darating ang araw na masasaktan ka lang at magsisi sa mga kilos mo noon. Ang pag-ibig ay nandiyan lang sa tabi-tabi kung ikaw ay para sa kanya walang sinuman ang makakasira ng inyong relasyon. Dahil kapag nawalan ka ng isang kaibigan para kang nagtapon ng pinggan sa sahig, napalabas mo man ang iyong galit sapagkat kung titignan mo muli ang pinggan, basag na ito at hindi na muling ibalik pa sa kung ano kayo noon. Kaya para sa mga natatamaan ko, wala akong intensyon na  manakit ng kahit na sinuman. Gusto kong gisingin kayo sa inyong mahabang pagkatulog. Kaya sa lahat ng mga MAGKAIBIGAN huwag ninyong ipagpalit ang inyong pinagsamahan sa isang PAG-IBIG lamang.

“DRUGAS”


           Mahigit 75%  sa mga kabataan ngayon ang nalolong sa tinatawag nilang ‘ BAWAL NA GAMOT’ .  Ang drugas ay isang maliit na bagay lamang ngunit sinisira nito ang malaking pangarap ng tao. Kung ikaw ay nalolong sa drugas maiiwasan mo pa ba ito? Kung ikaw ay isa sa mga biktima gusto mo bang lumabas o magpatuloy sa bisyong ito? Alam ko na alam niyo kung paano nagiging sagabal sa lahat ng bagay ang drugas. Nais kong ipahayag sa inyo ang epekto nito sa ating buhay.
“ DRUGAS “ ito ang salitang gustong agawin ang ating mga pangarap sa isang iglap lang. Sa mga nakikita ko ngayon halos ipagpalit na nila ang kanilang kaluluwa para lang sa isang kaligayahan. Sa tingin niyo kalayaan ba kamo ang tawag niyan? O habang buhay na pagkakulong sa bagay na walang kasiguradohan ? Ako ay isang ordinaryong tao lamang na gustong hikayatin ang bawat kabataan sa pag-iwas sa DRUGAS. Noon, ang kabataan ay laging nakahawak ng bola at gitara upang libangin ang kanilang mga sarili. Sapagkat ngayon lahat ng mga kabataan ay halos nakikita ko na sa mga   lansangan at parang wala ng bukas. Hinihintay nalang ang pagsapit ng araw at ang paglubog nito. Gaya ng araw , ang inyong mga pangarap ay lulubog at hindi na maibabalik pa muli ang kahapon. At kung darating man ang araw na iyon masasabi mo nalang sa sarili mo na “ Sana Bukas Pa Ang Kahapon.” Dahil ang pagkakaroon ng bisyo kailanman ay hinding-hindi naging daan tungo sa magandang kinabukasan. Kaya para sa mga kabataan , bigyan ng halaga ang bawat oras at minuto na dumaan sa ating buhay. Dahil kahit Panginoon ay hinding-hindi na maibabalik pa muli ang kahapong nagdaan. Minsan ka lang bata na minsan lang  nabuhay. Kaya huwag sayangin ang ang pangarap. Ipagpatuloy ito at mangarap lang ng mangarap.

“Kabataan, Noon at Ngayon”


             Nais mo bang malaman kung ano ang kaibahan sa ating kabataan noon at ngayon? Nais kong ibahagi ang aking opinion batay sa mga nakikita ko ngayon.
Ang mga kabataan noon ay disiplinado at respetado sa lahat ng bagay.Lahat ay pantay pantay kahit  mayaman man o mahirap,matalino o bangbang,bata man o matanda.Noon,kung may manliligaw dadaan muna sa mga magulang bago sa anak.At dapat lalaki and pumupunta sa kanilang bahay. Hindi katulad ngayon maraming sa atin ang sekretong nagpapaligaw. Kahit saan pwedeng magkita kahit hindi alam ng kanilang mga magulang. Malaki talaga ang agwat noon at ngayon. Ang mga bata noon ay takot sa kanilang mga magulang lalo na kung makagawa sila ng isang kamalian , ganon nila karespeto ang kanilang mga magulang. Marami sa atin nagsasayang ng oras sa paglalaro nga komputer sapagkat noon ang mga bata ay inilaan ang mga oras sa pag aaral at pagdadasal. Paano ba natin maiiwasan ang ugaling ito? Sino ba ang makapagbabago nito ? Ano ba ang daan na ating tatahakin? Ang dapat? O ang hindi dapat?Hindi ko masasagot ang mga katunangang iyan. Dahil wala sa aking mga kamay ang gintong kasagutan kundi nasa puso at isip ng bawat kabataan ngayon.
        Kaya simulan na natin ang pagbabago upang maiiwasan ang mga sakuna sa ating sarili. Kung gusto mong maging isang matagumpay na tao sa malapit nahinaharap dapat huwag sayangin ang oras sa mga walang kwentang bagay..

“ PERA O PAG-IBIG?”

“ PERA O PAG-IBIG?”


            Alam ko na sa mundong aking kinatatayuan walang matino na tao ang  hindi papanig sa pera. Sapagkat ito ang bagay na kung bakit tayong lahat ay nabubuhay. Lahat ng problemang dumaan sa ating buhay walang ibang solusyon kung hindi pera agad. Alam mo ba na mahigit 90% sa mga relasyon ay nagwawakas ng dahil sa tinatawag nilang “PERA”. Halos lahat ng nasa isip ng tao pera,pera,pera, at pera. Kung iuugnay natin ito hango sa  totoong buhay, hindi mo ba naitanong na ipinanganak tayo na walang dalang pera? Hindi naman siguro importante kung may kayamanan ka o wala. Mahirap ka man sa totoong buhay pero mayaman ka naman sa pagmamahal. Pero kung pera naman ang pag-uusapan, Paano naman mabubuhay ang pamilya kung walang pera? Alam ko na nalilito na kayo dahil pati ako hindi ko alam kung ano talaga ang sadya ng pera at pag-ibig sa mundo. Ano ba talaga ang papel ng pera sa buhay ng isang tao? Sa aking palagay ito ang dahilan kung bakit tayo ay nabubuhay dito sa mundo. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-ibig? Ito ang bagay na kahit kayamanan ay hindi kayang tumbasan. Ano nga ba ang dapat? PERA ? O PAG-IBIG? Oo nalilito na talaga ako! Pero sa aking malawak na pananaw nais kung ipagsabayan ang pera at ang pag-ibig dahil alam kung hindi kailan man nabubuhay ang isang tao na walang pera at taong tunay na nagmamahal.

            Kaya sa mga taong praktikal, huwag masyadong ipagmalaki ang pera dahil hindi sa lahat ng bagay pera ang tunay na sagot. May pera nga naman pero hindi ka naman mahal. Mahal ka nga pero wala namang pera. Hindi bale na nga, Isaisip mo nalang palagi at piliin kung saan ka talaga tunay na masaya.