“Kabataan,
Noon at Ngayon”
Nais
mo bang malaman kung ano ang kaibahan sa ating kabataan noon at ngayon? Nais
kong ibahagi ang aking opinion batay sa mga nakikita ko ngayon.
Ang
mga kabataan noon ay disiplinado at respetado sa lahat ng bagay.Lahat ay pantay
pantay kahit mayaman man o
mahirap,matalino o bangbang,bata man o matanda.Noon,kung may manliligaw dadaan
muna sa mga magulang bago sa anak.At dapat lalaki and pumupunta sa kanilang
bahay. Hindi katulad ngayon maraming sa atin ang sekretong nagpapaligaw. Kahit
saan pwedeng magkita kahit hindi alam ng kanilang mga magulang. Malaki talaga
ang agwat noon at ngayon. Ang mga bata noon ay takot sa kanilang mga magulang
lalo na kung makagawa sila ng isang kamalian , ganon nila karespeto ang
kanilang mga magulang. Marami sa atin nagsasayang ng oras sa paglalaro nga komputer
sapagkat noon ang mga bata ay inilaan ang mga oras sa pag aaral at pagdadasal.
Paano ba natin maiiwasan ang ugaling ito? Sino ba ang makapagbabago nito ? Ano
ba ang daan na ating tatahakin? Ang dapat? O ang hindi dapat?Hindi ko masasagot
ang mga katunangang iyan. Dahil wala sa aking mga kamay ang gintong kasagutan
kundi nasa puso at isip ng bawat kabataan ngayon.
Kaya simulan na natin ang pagbabago upang
maiiwasan ang mga sakuna sa ating sarili. Kung gusto mong maging isang
matagumpay na tao sa malapit nahinaharap dapat huwag sayangin ang oras sa mga
walang kwentang bagay..
No comments:
Post a Comment