Tuesday, 7 October 2014


“DRUGAS”


           Mahigit 75%  sa mga kabataan ngayon ang nalolong sa tinatawag nilang ‘ BAWAL NA GAMOT’ .  Ang drugas ay isang maliit na bagay lamang ngunit sinisira nito ang malaking pangarap ng tao. Kung ikaw ay nalolong sa drugas maiiwasan mo pa ba ito? Kung ikaw ay isa sa mga biktima gusto mo bang lumabas o magpatuloy sa bisyong ito? Alam ko na alam niyo kung paano nagiging sagabal sa lahat ng bagay ang drugas. Nais kong ipahayag sa inyo ang epekto nito sa ating buhay.
“ DRUGAS “ ito ang salitang gustong agawin ang ating mga pangarap sa isang iglap lang. Sa mga nakikita ko ngayon halos ipagpalit na nila ang kanilang kaluluwa para lang sa isang kaligayahan. Sa tingin niyo kalayaan ba kamo ang tawag niyan? O habang buhay na pagkakulong sa bagay na walang kasiguradohan ? Ako ay isang ordinaryong tao lamang na gustong hikayatin ang bawat kabataan sa pag-iwas sa DRUGAS. Noon, ang kabataan ay laging nakahawak ng bola at gitara upang libangin ang kanilang mga sarili. Sapagkat ngayon lahat ng mga kabataan ay halos nakikita ko na sa mga   lansangan at parang wala ng bukas. Hinihintay nalang ang pagsapit ng araw at ang paglubog nito. Gaya ng araw , ang inyong mga pangarap ay lulubog at hindi na maibabalik pa muli ang kahapon. At kung darating man ang araw na iyon masasabi mo nalang sa sarili mo na “ Sana Bukas Pa Ang Kahapon.” Dahil ang pagkakaroon ng bisyo kailanman ay hinding-hindi naging daan tungo sa magandang kinabukasan. Kaya para sa mga kabataan , bigyan ng halaga ang bawat oras at minuto na dumaan sa ating buhay. Dahil kahit Panginoon ay hinding-hindi na maibabalik pa muli ang kahapong nagdaan. Minsan ka lang bata na minsan lang  nabuhay. Kaya huwag sayangin ang ang pangarap. Ipagpatuloy ito at mangarap lang ng mangarap.

No comments:

Post a Comment