Tuesday, 7 October 2014

“KAIBIGAN O KA-IBIGAN”
                       Nais mo bang malaman ang kaibahan ng dalawa? Alam kong meron tayong karapatan na ipahayag ang ating mga pananaw sa buhay kaya lahat ng ito ay  hango sa aking mga nakikita.
            Kung ikaw ang papipiliin saan ka papanig KAIBIGAN? O, KA-IBIGAN?. Kung ako ang tatanungin hindi ako magdadalawang isip na pipiliin at ipaglaban ang KAIBIGAN kaysa KA-IBIGAN.Kung kaibigan ang pag-uusapan alam kung meron tayong tinatawag na ‘ BITUKA KO, BITUKA MO’ lahat ng mga kilos na ginagawa mo ay kabisado na ng kaibigan mo. Lahat ng kung anong meron ka ay halos alam na niya lahat. Kahit mga kahinaan at katapangan mo’y alam narin. Pero hindi lahat ng sekreto niya ay alam mo. May mga bagay na hindi niya sinasabi dahil alam niyang pribado ito. Sa lahat ng oras umulan man o bumagyo hindi mo madaling isuko at bitawan ang inyong pinagsamahan. Kung baga, ikaw ay isang instrumento na ipinadala ng Diyos upang samahan at intindihin ang iyong kaibigan. Kung may malaking posibilidad na ang iyong munting kaiibigan ay lihim na nagmamahal saiyo. Nais mo bang magparaya para lang sa tinatawag nilang PAG-IBIG? Kung ako ang tatanungin hinding hindi ko isusuko ang aming pinagsamahan sa isang PAG-IBIG lamang. Dahil kapag ang tunay na pag-ibig ay nararamdaman ng isang tao hahamakin nito ang lahat masunod lamang ang sinisigaw ng puso. Isaisip mo na Lahat ng mga nangyayari ay pinaplano na ng Diyos. Kagustuhan mo man ito o hindi. Dapat mong tanggapin ito at magpasalamat dahil ang lahat ng iyon ay panangga mo  patungo sa magandang inaasahan.
                      Kung sakaling ikaw ay mapaibig na sa kanya huwag mong isuko ang inyong pinagsamahan dahil darating ang araw na masasaktan ka lang at magsisi sa mga kilos mo noon. Ang pag-ibig ay nandiyan lang sa tabi-tabi kung ikaw ay para sa kanya walang sinuman ang makakasira ng inyong relasyon. Dahil kapag nawalan ka ng isang kaibigan para kang nagtapon ng pinggan sa sahig, napalabas mo man ang iyong galit sapagkat kung titignan mo muli ang pinggan, basag na ito at hindi na muling ibalik pa sa kung ano kayo noon. Kaya para sa mga natatamaan ko, wala akong intensyon na  manakit ng kahit na sinuman. Gusto kong gisingin kayo sa inyong mahabang pagkatulog. Kaya sa lahat ng mga MAGKAIBIGAN huwag ninyong ipagpalit ang inyong pinagsamahan sa isang PAG-IBIG lamang.

No comments:

Post a Comment